Source: http://prinsipenghangin.wordpress.com/2011/01/22/mega-star-mega-transform/
“You are absolutely right. Yan lang ang tingin mo sa akin.
Tagahanda ng isusuot mo, ng kakainin mo.
Taga-ayos sa bahay mo. Tagasalo sa mga problema mo. (taas ng left kilay)
I was never your partner, Im just your wife kaya hindi mo ako nirerespeto!”
— Sharon Cuneta as Mariel in MADRASTA
Sorry for not updating you guys. I’ve been too busy with a lot of things. Honestly, I have pending entries but I cannot post them right away dahil wala pa yung pictures and other materials na kelangan that go with them. Anyway, time for break. Time for a blog
This week, binulabog tayo ng mga nagbabagang mga balita (Hindi ba pwedeng dumadagundong o kumukulong mga balita? ) Unang quarter pa lang ng taon, binulabog na tayo ng mga negative events. Andyan ang pagbaha sa Australia, Brazil, Sri Lanka, at maging dito sa atin since Christmas season dahil sa climate change. Sunud-sunod ang carnapping incidents na may kasama pang pagpatay sa mga may-ari ng mga sasakyan. Taas presyo na naman ang gasolina at taxi fare. At iba pa. Isama natin sa ating mga panalangin ang mga nasalanta ng mga trahedya at biktima ng karumal-dumal na krimen.
Dumugo ilong ko sa lalim ng mga Tagalog words ko
…
…
… CHIKA MINUTE!!!
Habang ako ay walang humpay na nagbabrowse sa Facebook (Weird no? Lagi mo na lang pinipindot ang ‘Refresh’ para malaman kung may update ), nakita ko ang isang post about sa Mega transformation ni Mega Star Ms Sharon Cuneta:
Sinubukan kong maghanap ng mga commercials niya. Look at the difference over time.
Kamukha niya si Karen Davila dito sa ad ng Del Monte Pineapple juice.
Almost kahawig na ng waistline ni Jessica Soho ang waistline ni Sharon dito. Joke
Hindi talaga maiiwasan ang mga usap-usapin tungkol sa kanyang pagbabagong anyo. Likas na sa ating mga Pinoy ang chizmiz at mang-okray. Gaguhan sa showbiz, ika nga. Pero bilib din ako sa iilang mga artista na despite the stress of showbiz spotlight, they hold their composure. At isa na dun si Ms Sharon Cuneta.
Pinag-uusapan ang kanyang mega transformation lalo na sa print advertisments (like above). Unang batid pa lang ay ‘Photoshopped‘ daw. Yung iba ay naniniwala sa bisa ng Marie France. Samantalang yung iba nakatunganga lang at walang pake sa pinag-uusapan natin Pero ano nga ba ang totoo? Ano ang misteryo sa weight-loss ni Mega Star?
Sa photography at kahit sa videography, kaya natin gumawa ng illusions. Kaya natin baguhin ang anyo ng ating nais kuhanan sa pamamagitan ng on-the-spot adjustments (makeup, lighting, posing, wardrobe) at post production adjustments (editing software). Sa kaso ng tao, maaari nating pagandahin siya o lalong gawing kaayaya. Pwede ring tumangkad, lumiit, sumexy, pumayat, pamachohin, or kahit mga kaliktaran ng mga sinabi ko ang isang taong nasa harapan ng ating mga lente. Tandaan, imahe ang nakikita natin mula sa camera, hindi ang actual na tao. Hindi niyo ba naiisip na most of the times bakit magkaiba sa TV at sa personal ang nakita niyong celebrity? Dahil sa illusion yan
Does her belt, her clothes, her posing, the camera angle, or the lighting helped to create the illusion? Definitely yes. Now did she undergo weight-loss program or just an image-enhancing/retouching program? For me as a multimedia artist (with a touch of marketing side), masasabi ko na kahit papaano, may konting retouching/enhancement na naganap sa ‘image’ ni Ate Shawie. Kumbaga may final touches yan bago irelease sa market
Pero kahit retokado or totoo ang claim, the truth here is that it never failed to catch our attention and talk about it. I think it is the prime goal of every advertisers and their clients: to create brand recall and impact in our society. Publicity aids market movement. Basta ang mahalaga ay maging wais tayong consumer. Have a supermarket attitude. Be skeptical and compare. Huwag agad masyado magpapadala sa mga claims ng advertisements even 100% guaranteed kasi it depends on your lifestyle, your status, etc. The effectiveness of products/services varies from person to person. At kulang na lang ay maging reporter na ako sa Bloomberg (Di mo alam yun??? Yun yung channel sa cable na puro stock market ang pinag-uusapan. LOL) Dow Jones, anyone???
Hindi po ako Sharonian, pero I still admire her as an artist and as a person also
Kaw, ano opinion mo about the pagpapapayat ni Mega Star? Huwag mahiya magcomment Mahiya ka kung nakahubo’t hubad ka sa lansangan
Hot Like Mexico, rejoice!
The Air Prince
No comments:
Post a Comment