and my dumbfounded answer is always, "Basahin mo na lang yun blog, mage-gets mo rin."
But I was reading this other blog just a few moments ago and i was inspired to finally put together a definintion for SQUAMMY.
Well, actually, this isn't putting it together.
It'll just come one at a time when something hits me, it'll hit you as well. *labo*
heniways, presenting...
MGA PALATANDAAN NG TUNAY NA SQUAMMY
1. Ang Tunay na Squammy, PUNO lagi ang wallet. Puro 20s at coins lagi ang makikita sa pitaka. Naaalibadbaran siya sa sarili niya pag may 50pesos pataas na denomination ang pera niya kaya naman agad niya itong gagastusin para mabaryahan agad ang pera niya.
Pambansang Bayani ng Squammy: Manuel Quezon |
2. Ang Tunay na Squammy ay Adventurous. Hindi sila kumakain ng fishballs sa paper plate. Lagi lang rekta sa stick--tusok, sawsaw, subo, lunok.
We like our food the tusok tusok way |
3. Ang Tunay na Squammy ay Choosy at pihikan sa kanyang isaw. Kung 5pesos ang halaga ng isang stick dapat ay lampas man lang sa kalahati ng stick ang isaw. Kung hinde, hinde ito bibili at maghahanap ng ibang tindahan.
Bon Appetit! |
4. Ang Tunay na Squammy ay maselan. HINDE sila umo-order ng barbecue na karne. Laging isaw lang whether manok o baboy pa yan.
Attack! |
5. Ilan sa mga paboritong salita ng mga Tunay na Squammy ay ang FREE, SALE at BARGAIN. Paborito nilang kataga ang BUY 1 TAKE 1. Nakatutok ang Tunay na Squammy sa mga ganitong pagtitipon ng lipi.
this is really is it :) |
6. Ang Tunay na Squammy ay Health conscious. Hindi sila umo-order ng bottled drinks dahil di ito safe, laging service water lang.
Malinamnam.. |
7. Ang Tunay na Squammy ay Techie. Laging may hawak na cellphone pag nagsho-shopping. Hindi para mag-text o tumawag o mag-tweet kundi para gamitin ang calculator app ng telepono.
Techie Squammy |
more to come in the coming days mga ka-SQUAMMY! :)
No comments:
Post a Comment